CHA-CHAIN LETTER. :) /
nakatanggap na ba kayo ng mga chain letters? kahit saan merong mga ganyan. from the bulletins in friendster, to texts, and to emails, mero't meron kayong mababasang linya na: 'SEND THIS TO ALL OF YOU FRIENDS OR ELSE HER GHOST WILL HAUNT YOU!' o di kaya: 'forward this email or you'll have bad luck for 8 years. this is NOT a joke.'
5.22.2006
ako, una akong nakatanggap ng chain letter nung grade four ako. may pinasa lang saken ung isa kong friend na bond paper tas sabi nia: 'sayo na lang o.' wuhaw. tas nung binasa ko, todo takot naman ako.
so anong ginawa ko? nag-panic. you can't blame me, grade four palang ako nun at walang kamalay-malay na trip trip lang pala un. wala akong pera nun kase nagba-baon palang ako so wala akong mga mamiso para magpa-xerox.
talk of the town talaga yung pesteng chain letter na un. the next day, kahit nde buong story basta nakasulat sa papel ung 'summary' eh feeling nila 'safe' na sila.
para saken, ito lang siguro ang mga common reactions kapag nakatanggap ng isang chain letter eh. it's either.
MAASAR. minsan nakakaasar din. ung tipong ang subject ng email eh: THIS IS IMPORTANT! OPEN IMMEDIATELY! tas halos atakihin ka na sa puso because of your overactive imagination switched to overdrive. tas *TA-DA!* peste chain letter lang pala tungkol sa nag-suicide na babae, nakakaasar. sayang sa oras. lalo na't kung naka-dial-up ka lang.
MAGPAPANIC. eto ung mga taong baguhan sa chain letter. at siguro ung mga mayayaman or naka unlimited text para mag-forward ng mga chain text.
DEADMA. eto ung mga sanay na. or siguro ung dating nakatanggap ng chain letter pero nde pinasa at buhay pa rin. :P
naalala ko tuloy nung mga summer before mag-high school, may nag-forward saken ng text. ganito:
sister reodica predicted the tsunamis. she is predicting that there will be an intensity 9 earthquake at 5pm April 14, 2005 in Manila. Pls pray hard and pls be in a safe place. Pls pray the rosary.
woah. alam nio ba may mga workers sa makati na nag-half day dahil sa text na ito?
bakit nga ba sila nag-panic? siguro dahil isang religious ang involved. kase naman, may 'pls pray the rosary' pa. tsaka isa pang supposedly nun ang nag-predict. siguro din kase napaka-detailed nung text. may time, date, and place pa. [if you try to scrutinize the text though, the time came before the place, a big no-no in english composition. but who cares? siguro inisip lang ng mga tao na nagpa-panic na ung nagc-compose ng text to mind his/her grammar.]
as you might have guessed, the earthquake never happened.
ngayon. pano mo naman siguro malalaman na totoong end of the world na -slash- mamamatay ka in seven days or isa lang tong bad joke? eto ang mga signs. :P
1.) when it is very vague. ung tipong napaka-labo nung mga predictions. kunware, sasabihin na: 'magkakaroon ng isang trahedya sa 2007' hellloo? bigyan mo nga ako ng isang taon na walang trahedya na nangyare? baket nde nla mashadong ma-predict ung mga napaka-specific na bagay, like, kung babagsak ka ba this semester or kung magkakaroon ba ng virus ung computer mo. like duh.
2.) mga linyang overused. kapag may mga linya na: 'FORWARD THIS TO 15 PPL IN 5 MINS!' or 'some thing VERY BAD will happen to you!'. tsss. whatev. the more urgent it is, the more likely it is to be fake.
3.) when they use reverse psychology. ung mga tipong 'NDE TO JOKE! PRAMIS!' it is usually the opposite. paranoid siguro sila na wa-epek ung chain letter nila so nilagay nila ung linyang un.
4.) read betweeen the lines--er--letters pala. usually ganito ang mga chain letters. ik-kwento nila ung story tas biglang mags-switch to ALL CAPS NA MAY KAHALONG MULTIPLE EXCLAMTION POINTS!!!! OR QUESTION MARKS??? knowing your grammar pays off too. kapag super dami ng grammatical mistakes, nako, pagtawanan mo na lang. mas obvious kung ung pagkatype ng chain letter eh gamit ung MgA LeTrAnG nAkAkAhIlo. SiGuRaDo iSaNg bAtA lAnG Na WaLaNg MaGaWa AnG gUmaWa nG ChAin LetTer nA yAn.
5.) do your research. sites like snopes.com are definitely worth visiting if you are skeptical of an urban legend. snopes.com actually prove that they are wrong, along with the origin of the legend.
6.) trust THE animal instincts. for some reason, animals can predict more accurately that fortune tellers. kapag biglang naglabasan ung mga ipis sa bahay nio, kumahol ung aso nio for no reason, at nagwawala ung mga langgam, aba, sigurado na may mangyayare na.
7.) kapag sinama na ang diyos. nde naman sa sinasabi ko na imposible magbigay ng warning si God sa atin, pero andameng mga tricksters jan na walang magawa sa buhay na biglang pupunta sa media para sabihin na nakita daw nia ung mukha ni jesus sa isang pader. ang bastos naman yata nun sa religion.
o ayan. learn your lesson. hmm?! :)) ahahaha. o eto, natanggap ko sa ym, ipasa nio! baka kase biglang maputulan kayo ng kuryente. :))
"Ang pandesal ay napakasarap na pagkain! Pass dis to 15 of ur friends or magi2ng pandesal ka 4 2 days. Dont ignore ds pls.. totoo to promise! Pandesal na yung tropa ko." :|
Labels: Experiences, Thoughts
Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
1:38:00 PM
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
1:38:00 PM
|