KFC. :) /
Exams.
8.11.2006
Exams are finally over! Hay, salamat. Tapos na ang pagsasakripisyo ko. :)
Okay. Birthday ng aming adviser bukas. [Ka-birthday niya si Aga Muhlach. :))] So naghanda kami. Sa Rose Tables may mga balloons na kameng nilolobohan. Tapos binigay din namin nung umaga sa faculty. Haha. Andami nga eh.
Tapos, nung umaga, pinaakyat namin si Sir sa taas. Tapos kinantahan namin siya. Binigay ni Sarah
---
Kumain ang halos buong Rotact sa KFC courtesy of Sarah Tali. :) Kase daw
Thanks din sa Dad ni Chai for the transpo. :P Soree kung magulo kame sa car. :)Kung anu-ano na yung napagusapan namin. :) Ang layo kase ng U-Turn area eh. =))
So andun na kami sa renovated KFC sa Katipunan. Sa 2nd floor kame. Natira kame nina Naida and Tammy sa taas. Basta yung iba na bahala sa pag-order.
Pag-akyat nila: TSA-RAN! Dalawang bucket meal, sangkatutak na kanin, isang pitcher ng gravy, labing-isang mashed potatoes, siyam na tumbler, at marami pang iba. =))
Wala nga akong tumbler eh. :| Dapat yung bucket yung kukunin ko kaya lang magc-commute pa ako so mukha akong mamamalimos. =))
All in all, nakakain ako ng isa't kalahating rice, isa't kalahating plain chicken, kalahating spicy chicken, at isa't kalahating mashed potatoes. =)) Grabe. Lumabas ang pagka-pg ko. :| =)) At, take note: Lahat bayad ni Sarahhh!! =))
---
Pagkatapos namin kumain, bababa na sana kame. Eh yung mga nauna, biglang sinabi: Si Mrs. Ascunciooon! [Disciplinarian namin.]
Eh sa school, bawal samin ang pumunta sa mga malls, resto etc. ng naka-uniform. Eh halos lahat kame naka-uniform. Tapos yung iba hindi pa commuter.
So kame balik sa taas. Nagtago kame sa banyo. =)) Eh isang cubicle lang yun. Tas lababo sa labas. Nagkasya kaming siyam dun. Si Aivy, Rio, ako, Chai, Cla-Cla, Siapoc, Fides, Tammy at Sarah. Oh dba! World Record!
Tas pinaguusapan namin kung paano makakaalis. Tapos inisip namin andyan naman yung Dad ni Chai, so bumaba na kame. Phew. Hindi naman kami pinagalitan eh. Nag-hi pa nga si Siapoc.
Bumalik kamin school kase yung iba dun susunduin. Habang pabalik sa school pinagusapan talaga namin kung paano kami nagkasya sa banyo. :)) Sabi daw ni Lexli buti na lang daw hindi sila pumasok nina Naida. =))
Nung malapit na sa school, lahat kame todo yuko. Bawal din kase sa school na umalis tas babalik.
---
Nung Wednesday, nakita namin yung old AP teacher namin. Kase ung teacher namin ngayon substitute lang. Kelangan kase magkaroon ng operation yung dati naming teacher. So yun. Na-excite kame nung nakita namin siya.
Tapos tinanong namin ngayon kung siya parin yung magiging AP teacher namin. Tapos ang sabi niya: Isang buwan pa. Nakalulungkot ng lubusan. :P Kase, frankly, mas gusto ko yung substitute. Magaling yung dati naming teacher kase magbabasa ka talaga ng libro. Pero mas magaling [para sakin] yung substitute. Ewan ko. Iniisip nga namin sa First Years yung old teacher namin and yung substitute sa Second Year. :) Oh well.
---
THANKYOUS: Vinkz -- Shawboy -- Regina -- Jaja
Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
2:16:00 PM
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
2:16:00 PM
|