Monsters at the LRT Station. /
Marami na akong experiences sa LRT Station. :|
8.26.2007
Alam niyo yung Shake, Rattle and Roll last year? [Last year nga ba yun?] Anyways, yun yung may story na may halimaw sa LRT Station. Basta, every three years daw, yung last trip ng LRT, diba 'magp-park' na yung train. Eh di underground [yata] yon. Hindi na daw makakalabas yung mga taong nakasakay dun. Tas may lalabas na halimaw na anak ng may-ari ng LRT.
ANYWAYS.
Pumunta kami ni Liveby sa Gateway nung Tuesday. Tambay lang. XD Nag-Burger King lang. Share. Anyways, nung papunta kami, napagusapan namin yung Shake, Rattle and Roll nga. Kasi diba, ang Katipunan Station ng LRT, underground.
ANYWAYS ULIT.
Nung pauwi na, eh di nakalabas na kami ng LRT. Nag-stop muna kami kasi hindi nakatali yung laces ko. Tas tinaguan ako ni Liveby. EH DI TINAGUAN KO RIN SIYA. XDDD Tas sabi niya: Ano ba yan, nakakagulat, akala ko hahanapin mo ako.
Eh di syempre, naiwan na kami ng mga tao. SUPER DESERTED NA YUNG PALIGID.
And then...
Ako: [Naisipan na pagtripan si Liveby.] Hala, baka may halimaw...Super tawang-tawa kami pero super nakakatakot. AS IN TODO TAKBO. Feeling ko nga may nakakita sa amin sa kabilang side. SUPER TAKBO TALAGA. Kasi nai-imagine na namin na biglang may lalabas sa halimaw tas magf-flicker yung lights or whatever. Nahulog pa nga yung piso ko. Tapos hindi ko na talaga kinuha. XDDDD Iniwan ko na lang tas todo takbo pa rin. Si Liveby pa yung kumuha. =))
Liveby: HALA KASI EH! *sabay takbo*
Ako: [Natakot sa sariling joke] HALA. =))
Ayun. Share lang naman. May isa pa akong adventure sa LRT dati. :))
SHARE?
Labels: Laughs, Narrations
Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
8:53:00 PM
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
8:53:00 PM
|