Delikado. /
Isang araw, nadapa ako. Tinulak ako ng kaklase ko na akala ko'y kaibigan ko. Nagkasugat pa. Pumunta akong clinic, wala naman tumulong. Lecheng nurse na yan, binigyan ako ng Paracetamol.
9.03.2006
Pagdating ko sa bahay, walang nakapansin na may sugat ako. Inutusan parin ako. Ginawa ko naman. Nang matapos ang lahat, pumunta na lang ako sa kwarto ko. Pinilit kong hindi umiyak sa sobrang hapdi. Hindi ko alam kung gusto kong mapansin nila. Siguro dahil kailangan ko sila para mahilom ang sugat ko.
Kinabukasan, kinausap mo ako. Nagulat nga ako, kasi akala ko sasabihin mo na huwag magalit sa nanulak sakin. Pero hindi. Sabi mo, mali talaga yung ginawa niya, at dapat, magpagaling na lang ako.
Niyaya mo ako maglaro. Hindi ko nga alam yung pangalan ng laro natin eh. Hindi din ako magaling doon. Noong una, sinabi ko sa sarili ko, na dapat, hindi muna ako maglalaro kasi kakagaling palang ng sugat ko.
Pero dahil masaya naman ako sa laro natin, sumali parin ako. May mga pagkakataon na may talo, tapos sabi natin wag na lang taoy maglaro ng ganun kasi delikado. Pero pagkatapos ng ilang araw, naglaro ulit tayo. Masaya ulit. Weee.
Napansin ng iba, palagi na lang tayo naglalaro. Nanukso sila, sabi nila hindi na raw tayo nakikipaglaro sa iba. Kinabahan tayo kase akala natin magagalit sila. Yun pala, hindi.
Pero sabi ng isa ko pang kaibigan, na ayaw niya na parati akong nakikipaglaro sayo, ayaw niya kasi yung tipo ng laro natin, delikado raw talaga. Sabi niya, mag-ingat daw ako.
Isang araw, sinabi mo sa akin, lilipat ka ng ng paaralan. Pupunta ka kung saan ka talaga mas masaya.
Nalungkot ako. Ngunit sabi ko sa sarili ko, mas maigi na ng ganito, baka kasi pareho pa tayong masugatan habang naglalaro. Tama ang sinabi ng iba. Delikado talaga.
Sana, kapag nagkita uli tayo, maaalala mo ako. Yung kalaro mo dati. :)
---
Salamat. Isang matinong post. Salamat kay Paul
---
THANKYOUS: Jochie, Jigs, utakGAGO, and Ruthing.
Labels: Heartaches, Yoo-Eych
Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
3:57:00 PM
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
3:57:00 PM
|