My Cousin and I, Revisited. /
When I was in Grade 3, my cousin lived with us since his parents were in the province. My parents were always at work, and the only ones to keep us company were our grandparents [from my father's side] and my grandmother [from my mother's side.]
11.11.2006
Masaya nun. Wala sila masyadong pakialam sa mga nangyayari. Andyan lang sila. Nakatingin. Kaming dalawa ng pinsan ko yung parating magkalaro, magkaaway at magkakumpitensya.
Pero usually, magkakumpitensya kami.
Sa gawaing bahay, homeworks, projects, playstation, games sa cellphone, arcade, lagi kaming nagpapasikat.
Grade 3 rin siya nun. He studied in a nearby public school. And me in an all-girls private school. He's not that smart, but not dumb either. Masaya siya kasama tsaka kalaro. When we were in good terms, I used hate it when they compare us, since I think it's unfair for him. Pero kapag magkaaway kami, gustong-gusto ko yung comparison, since I know nakakalamang ako dun.
Oo na, mayabang, masungit, mataray, at masama na akong pinsan. Grade 3 lang naman kasi ako nun eh.
We had schedules on our chores. Parati kaming nagpapasikat. Minsan, sina-sabotage pa namin yung ginagawa ng isa. Magkakalat ako purposely. Magsusumbong siya kay Mommy.
But overall, mabait siyang pinsan. I can't help but feel a wee bit sorry for him. Nasa Batangas kasi yung tatay niya with his other family, and yung nanay niya nasa Marinduque. Kapag birthday niya, yung mga pinsan lang niya kasama niya. Kapag Pasko nga, minsan, hindi pa niya nakikita magulang niya. Kapag bakasyon naman, hindi nakakadalaw.
Kung ako yung nasa kalagayan niya, hindi ko yung kakayanin. Dependent pa rin ako sa magulang ko hanggang ngayon, kahit ganito katigas ulo ko. :P
Kaya saludo ako sa kanya kasi kinakaya niya lahat ng mga problema niya. 3rd year na siya ngayon. Naunahan niya ako kasi nag-grade 7 pa ako. Mas matangkad pa siya sa akin. Malalim na ang boses. At makulit pa rin. Nakatira siya sa bahay ng lolo't lola namin. [Kapitbahay lang kasi namin sila.] Hindi na kami masyadong close ngayon. Pero sana balang araw, iiwan niya yung ganitong klaseng buhay. Naalala ko kasi yung sinabi niya sakin.
Nako, kapag laki ko talaga hindi ako magiging katulad ng tatay ko.Wala lang. Bigla ko lang kasi siyang naalala.
Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
12:32:00 PM
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
12:32:00 PM
|