<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d25026194\x26blogName\x3dDumb+luck.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jinxedgeness.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jinxedgeness.blogspot.com/\x26vt\x3d-2340947496105705807', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Memoirs of a Geisha. /
8.29.2006
We watched Memoirs of A Geisha for our AP. Actually, we started watching it last week but we didn't get to finish it. :) But we already did this Monday.

A lot of things happened when we watched the first part. Sayang nga eh, because two of our friends weren't there. Anyways, at the start of the movie, there was a time when our teacher began to 'run-slash-briskly walk' towards us and his face looked scared. We were at the historical Conference Room by the way. Ghosts are rumored to be there, so we all stood up and some of us began to squeal-slash-scream. :) It turned out to be two of our classmates who rattled the door to scare us. Hmpf. I really thought it was a ghost. Pramis.

Our teacher covered [well, half-covered] the television when it came to the scene of Hatsumomo and Koishi. Ang epal! :) Haha. Protests due to frustration echoed when he did that. :)

When we watched the second part, all of our friends were already present. Yay. :)

The movie was nice. Also the dialogue. Eto yung mga remarks ko:

Nakakayamot si Hatsumomo and Pumpkin. Ang bad influece talaga ni Hatsumomo. Tingnan mo, naging prosti din si Pumpkin.

Ang ganda ni Sayuri/Chiyo nung bata siya. :)

Ang manyak nung guy [I forgot his name] who wanted to take a 'look' at Sayuri/Chiyo.

Ang gwapo ni Chairman! =)) Joke. Pero compared to the other guys dun sa movie siya pinakamatino and mabait. ;) We all squaled dun sa last part. :)

---

Sinabi dun sa movie, that a geisha doesn't sell their bodies but their skills. Pero ang weird kase Chiyo/Sayuri has to put her mizuage [or virginity,] up for bidding to become a full geisha and to pay her debt. [A doctor named Dr. Crab won the bidding, and it was so gross since he wasn't even good looking. =))]

Kasi sabi sa movie there is a big difference between a geisha and a common prostitute. Anyways, mas sosyal naman ang pagiging isang geisha kasi conservative sila and mahinhin. Walalang. Naisip ko lang. ;)

---

THANKYOUS: Jochie, Regina, Jigs, Jonell, and Joy.

Labels:

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
5:51:00 PM


|
I swear. /
8.26.2006
WARNING: Before you read this post, let me warn you that this post has profanity. Kung maselan ka, wag mo na lang basahin. I swear, so sue me.

Balang araw kayo naman ang maT-TI.
Those were the words our AP teacher told us. He heard one of us who swore loudly.

He went back to our classroom and asked who was it. Thank God nobody told him who it was. So he left us with those words to contemplate on.

Just this week, madaming nac-conscious na nagmumura na sila on a daily basis. Parang ako: "Bakit ba kayo biglang na-conscious?" Tapos sinabi nila na nung First Year lang daw sila natuto talagang magmura.

Hala. Ang sama ko pala. Ako kasi, natuto ako magmura, Grade Three. Hala. Ang bad ko talaga. Naimpluwensiyahan kase ako eh. :)

Kailan ba masama magmura? Kapag masama na yung sinasabi? Bakit medyo acceptable ang tae kaysa sa shit eh pareho lang yun? Bakit ang mga taong nagsasabi ng tanga hindi napagsasabihan pero kapag tangina todo sermon sila? Parehong mura lang naman yun ah.

Walalang. Naisip ko tuloy, Subukan ko kayang hindi magmura for a day, kaya ko kaya? Kasi nagiging expression ko na yung iba eh.

Oo nga pala, yung nagmura ng malakas tapos narinig ng teacher namin, ako yun. Kinurot kase ako ng kaklase ko. Eh ang saket! Laking pasasalamat ko sa mga kaklase kong hindi nagsumbong. Inisip nga namin ng kalase ko [yung nangurot sakin] na sabihin na ako yun, kaya lang naduwag kami. Buti na lang hindi lumaki yung isyu. :)

--

THANKYOUS: Xai, Pauline, Jigs, Potpot, and Vinkz.

Labels: ,

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
3:12:00 PM


|
Panaginip. /
8.24.2006
3rd year na kame. Magkakaklase kameng apat. Itago na lang natin sila sa pangalan na Bestfriend, Mambobola at Pumuporma.

Kailangan naming pumila. Magkatabi na sana kami ni Bestfriend, ng biglang um-entra tong Mambobola na 'to tas sabe nia:
"Bestfriend, alis ka dyan, tabi kame." Syempre no choice eh di umalis siya.

So sa harap si Bestfriend, tapos si Mambobola, tapos ako, tapos sa likod ko si Pumuporma.

Eh biglang hindi kami nagkatabi pala ni Mambobola. Si Pumuporma lang.

Eh di ansama ng tingin sakin ng dalawa. Tapos ako parang:
"Bakit ba?"

Tapos biglang hinawakan ni Pumuporma yung kamay ko. Nakita ni Mambobola sa nayamot siya tas tinulak niya si Bestfriend tas sabi niya: "Bestfriend kasi eh!" Tapos nakita din ni Bestfriend. Tapos nang-irap.

So hindi na ako pinapansin ng dalawang loka. Tapos kinalabit ko si Bestfriend tapos sabi ko:
"Labyu." Tas sinabi din kya sakin: "Labyu." Tapos---
Reginne, gising na.

Takte. Panaginip lang pala. Hindi ko alam kung matatawa ako o mayayamot dahil sa panaginip ko.

Ano ba ang ibig sabihin ng panaginip? Yun ba yung mangyayari? Yung hindi mangyayari? Ang gusto mong mangyari pero ayaw mo lang i-admit? Nakalilito. Anu ba to.

---

TENKYUS: Jigs, Neil, Vinkz, Xai and Joy

Labels:

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
8:24:00 PM


|
Pro-Marcos /
8.21.2006
Death Anniversary ngayon ni Ninoy. Yun yata ang isa sa mga pangyayari kung bakit nangyari ang EDSA I.

Bilib ako sa Lola ko eh. Madaming kwento. Lalo na nung World War II. Haha. Sabi nga daw niya may alaga daw silang sirena dati eh. Akala ko nga binibiro ako eh, tapos si Mommy excited na excited na i-kwento.

Dati, kailangan namin ng kwento tungkol sa EDSA I. Nagulat ako ng sinabi ng Lola ko na Pro-Marcos pala sila. May keychain pa nga siya na nakalagay: Marcos pa rin!. Tapos may ballpen pa siya na may signature ni Marcos.

Madami siyang kwento. Feel ko close talaga sila. :)) Kaya lang ayaw niya kay Imelda. Dati daw sabi ni Imelda na manganganak na lang daw siya ng sampung beses kaysa sa sumama sa kampanya.

Ayun. Na-amaze lang talaga ako. :)

---

Pansin niyo ba punong puno ng galit yung mga recent posts? Walalang. Nanonood ako ng opera version ng My Humps sa Wowowee. =)) I'M OKAY NOW. TRALALA. :) talaga lang ha?

---

TENKYUS: Vinkz, RC, Jigs and Neil.

Labels:

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
2:32:00 PM


|
Downside. /
8.20.2006
This is the downside of blogging. It's getting popular. TOO POPULAR, in fact, that even the people you're blogging about can read your posts. It can be your friends, your ex-es, your enemies, your freaking parents, or your teachers.

Ang hirap. Paano mo ilalabas yung gusto mong sabihin kung pwede nila mabasa? Hindi mo masasabi yung buong kwento. Madami na kasing baliw na nagp-print ng mga blog entries tapos pinapakita sa ibang tao.

The result? The problem gets even worse. People don't care whether you wrote that entry yesterday, last week, or last year. Magagalit sila, and they will ask you how you could write such a thing.

Ikaw naman, hindi mo alam kung mayayamot or mag-guilty or magiging defensive. Bakit ba kasi kelangan i-iprint? Bakit mo pa kasi sinulat yun? Bakit? Bakit?

Minsan, inisip ko magsulat na lang. Kaya lang, wala pa akong mga limang sentences, tinamad na ako. Hindi ko na tinapos.

Sorry ah. :| Wala ako sa sarili ko.

Labels: ,

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
2:41:00 PM


|
EPAL. /
8.19.2006
Epal. Ano ba ang ibig sabihin nito. Halos araw araw ko siguro tong nasasabi. Minsan as expression. Minsan as feeling. Minsan as description sa tao.

Iba iba ang meaning ng epal. Depende sa tao. Nag-gm ako sa YM, kung ano ung meaning ng 'epal' para sa kanila. Salamat nga pala sa sumagot.


--* ung mga laging nakikisabat, tapos mga papansin, tapos ung mga kinakainisan.

--* parang istorbo. parang f.c

--* uhm...isang taong nakakainis sayo dahil sa isang reason.

--* epal - means mapapel. epal - sabatero. mapapel.

--* a person who butts in. tama ba? haha.

--* depende. ano. nangingialam o kaya sagabal sa buhay.

--* epal- bwiset. fuckshit. asshole. [A/N: Saket! =))]

--* everlasting peace and love
May dalawang meaning ang 'epal' sa pinoyslang.com. Eto yun: mapapel, kupal or somebody who talks too much, a braggart, a liar, someone who tries hard to please others by his manner of speaking...etc.

Ang 'epalogs': taong epal na jologs pa at 'epaloids' naman ay: laging extra, laging singit, always butts in.

Eto ang description ko:
Epal [used to describe someone]: Ma-papel. Feeling important. Usisera. Usisero. Sagabal. Kapag wala siya ang laking ginhawa sa buhay.

Epal [expression]: Kapag walalang. Minsan sinasabi kahit walang connection.

Epal [as a feeling]: Kapag di mo maintindihan yung feeling mo. Yung hindi ma-describe.

Naranasan niyo na ba maging epal? Kasi usually ibang tao ung napupuna natin as mga epal. Pero paano kapag ne-realize mo na ikaw mismo ang epal sa buhay ng iba?

Ang hirap.

---

May topak tv namin sa sala. Nag-iba ng color. Naging kulay pink. and green! Nag-trip daw yung saksakan. Ang weird ng mga kulay. Epal.

---

MGANAKIEPAL: Pauline, Joy, Vinkz, Jonell at Xai.

Labels:

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
3:14:00 PM


|
Araw ng Wika. /
8.17.2006
Ako, si Reginne Camarse hinihiling at patnubay ng Poong Maykapal, sa pamamagitan ni Sta. Maria Euphrasia ay nanunumpang gagampanan nang buong katapatan, may katarungan at pagmamahal bilang isang Kristiyano ang aking mgatungkulin bilang kalihim ng II-St.Cecilia ng St. Bridget School.

Sa lahat ng ito ako ay buong pusong nangangako sa Diyos Ama nating lahat sa harap ng kapwa ko mag-aaral, mga guro, at mga namumuno sa ating paaralan.

Iyan ang sinabi namin sa entablado ngayong araw na ito. Nagta-tagalog ako kasi sa aming eskwelahan, ipinagdiriwang namin ang Araw ng Wika. Isinabay na rin sa Ataw ng Wika ang panunumpa ng mga class and club officers.

Ang hirap naman mag-tagalog. :) Haha. Kahapon nagkaroon kami ng dry run ng program, at naayos naman namin yung sayaw na ipe-present. Masaya nga eh kase wala masyadong ginawa. Free time buong araw. Weee!

Ngayon, ang dami kong dala papunta sa school. May malong, costume para sa sayaw, costume para sa oath taking, at dalawang klase ng sapatos.

Ayos nung nag-oath taking. May pin na rin kame! Weee! Dati kasi ang class and club presidents pati CSO offciers lang ang may pin. Ngayon kami na rin! Bongga! :) Kaya lang logo lang yung nakalagay. Yung sa iba kase nakalagay yung position. Haha. May gana pa raw magreklamo eh no?

Nagtinda yung club namin ng kwek-kwek tsaka barbecue nung recess. 15 pesos ang limang kwek-kwek tsaka 15 din yung barbecue. :)

Saya din ng mga palaro. Dami naming panalo! Weee! :) Kadang-kadang, patintero, hilahang lubid tsaka agawang buko. Saya mag-cheer!

Tapos, nag-sayaw na kami after lunch. Astig di ako nagkamali. Woo. Nakakagaan loob after sumayaw. :) Sense of achievement.

May nag-tribute dun sa dati naming Filipino teacher na magre-retire na next year. :) Naiyak nga siya eh. Pati yung isa kong friend naiyak. :)

GO SUBLILITAS. :)

--

TENKYUS: Vinkz, Xai, Jonell, Xienah, Regina and Lin

Labels:

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
8:47:00 PM


|
My condolences. /
8.15.2006
On the first week of August, her Dad was sent to the hospital.

Is that right? I'm not sure. I'm so bad with dates.

The next day, she went to school and taught us about Ecological Succesion just like any other day. We asked how she was at the end of the period and she told us that her dad has cancer.

We wanted to ask further what kind of cancer. But we didn't to intrude.

Our class isn't her advisory class, so we didn't really get updates of how she was doing. Our friends tells us, that sometimes, she wasn't in school early in the morning.

Fasy forward to this week. We were told that her father has already passed away last Friday.

Her advisory class, really planned on what to do. They bought flowers, and talked to bus drivers who could take them to the wake, which is today. We also wanted to go but we were already too many. A lot teachers also went with them.

We never really thought that this would happen. You see, when she was present, she taught us like nothing happened. If I was in her shoes I wouldn't be in the mood to teach.

I suddenly imagined if it was my father who died. Suddenly, I became too sentimental, so I stopped thinking.

I send my condolences to my Biology teacher, Ms. Espana. I know you're Dad's with God right now. :)

---

I'm sorry for typos and wrong grammar. I'm hurrying to finish this post. Will correct it later if I have time. :)

Labels:

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
6:47:00 PM


|
Laslas. /
8.13.2006
Slashing [verb]: meaning to use any sharp object, usually a cutter, to inflict injury on oneself intentionally, due to problems

Nalaman ko ang tungkol sa paglalaslas nung Grade Five. Napagusapan kasi namin ng friend ko yun. Sabi nga din niya, ginagawa niya yun. Tapos binubuhusan pa ng alcohol.

Nung Grade Six, usually, kapag may problema, tsaka ginagawa yun ng tao. Dati, tawag pa dun, slash.

Pagdating ng Grade Seven, gumawa kami ng account sa Friendster. Ang Anti-Slash Movement. May officers effect pa kami nun. Ako yung Treasurer. :> Sayang nga eh kasi may nag-report sa account namin sa Friendster so na-suspend. So gumawa ulit kami! :)

Nung Grade Seven rin ako nakakita ng super slashed na arm. As in may dugong tumutulo sa arm ng classmate ko tapos humihingi pa siya ng alcohol. Yech.

Madami na rin ang na-lintek sa Coordinator namin dahil diyan. Dati kasi, nung nagpa-check up yung klase namin sa clinic, in-inspect din yung mga braso.

Sa bago kong school nung HS, madami rin yung nags-slash. Nakakapanibago kase gamit nila, scissors. Hindi cutter. Meron pa nga mechanical pencil yung ginagamit.

Ang weird din kase kung sa dati kong school sa arm lang ung laslas, dito, pati sa tuhod at sa ankle, tinitira.

Sosyal nga yung mga nags-slash eh. Gusto pa nila, yung cutter or scissors na gagamitin nila, walang kalawang. Napaisip ako, kung gusto mo na rin lang mamatay eh di gumamit ka na lang ng may kalawang! Para sure!

Ang OA din ng iba. Wala namang problema naglalaslas. Ang KSP. Nakakabwiset. Para lang maipahiwatig sa buong mundo na naglalaslas pa sila.

Eh ako? Naglaslas na ba ako? Aaminin ko, na-curious ako. This school year lang. Isang stroke. :) Hindi naman nag-marka. Natakot kasi ako.

Ang warped ko talaga. Pati tungkol sa paglalaslas bn-blog ko. Ewan ko. Nakakabanas lang kasi yung iba ang KSP lang talaga. Tapos tuwang-tuwa pa. Pakainin ko sila ng blade eh.

Labels:

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
1:29:00 PM


|
KFC. :) /
8.11.2006
Exams.

Exams are finally over! Hay, salamat. Tapos na ang pagsasakripisyo ko. :)

Okay. Birthday ng aming adviser bukas. [Ka-birthday niya si Aga Muhlach. :))] So naghanda kami. Sa Rose Tables may mga balloons na kameng nilolobohan. Tapos binigay din namin nung umaga sa faculty. Haha. Andami nga eh.

Tapos, nung umaga, pinaakyat namin si Sir sa taas. Tapos kinantahan namin siya. Binigay ni Sarah Sarah! Sarah! Sarah yung cake. Ickoii!

---

Kumain ang halos buong Rotact sa KFC courtesy of Sarah Tali. :) Kase daw birthday ng asawa niya ng adviser namin walalang. :) Sayang nga eh. Hindi kasama si Mariz. May DK practice kase.

Thanks din sa Dad ni Chai for the transpo. :P Soree kung magulo kame sa car. :)Kung anu-ano na yung napagusapan namin. :) Ang layo kase ng U-Turn area eh. =))

So andun na kami sa renovated KFC sa Katipunan. Sa 2nd floor kame. Natira kame nina Naida and Tammy sa taas. Basta yung iba na bahala sa pag-order.

Pag-akyat nila: TSA-RAN! Dalawang bucket meal, sangkatutak na kanin, isang pitcher ng gravy, labing-isang mashed potatoes, siyam na tumbler, at marami pang iba. =))

Wala nga akong tumbler eh. :| Dapat yung bucket yung kukunin ko kaya lang magc-commute pa ako so mukha akong mamamalimos. =))

All in all, nakakain ako ng isa't kalahating rice, isa't kalahating plain chicken, kalahating spicy chicken, at isa't kalahating mashed potatoes. =)) Grabe. Lumabas ang pagka-pg ko. :| =)) At, take note: Lahat bayad ni Sarahhh!! =))

---

Pagkatapos namin kumain, bababa na sana kame. Eh yung mga nauna, biglang sinabi: Si Mrs. Ascunciooon! [Disciplinarian namin.]

Eh sa school, bawal samin ang pumunta sa mga malls, resto etc. ng naka-uniform. Eh halos lahat kame naka-uniform. Tapos yung iba hindi pa commuter.

So kame balik sa taas. Nagtago kame sa banyo. =)) Eh isang cubicle lang yun. Tas lababo sa labas. Nagkasya kaming siyam dun. Si Aivy, Rio, ako, Chai, Cla-Cla, Siapoc, Fides, Tammy at Sarah. Oh dba! World Record!

Tas pinaguusapan namin kung paano makakaalis. Tapos inisip namin andyan naman yung Dad ni Chai, so bumaba na kame. Phew. Hindi naman kami pinagalitan eh. Nag-hi pa nga si Siapoc.

Bumalik kamin school kase yung iba dun susunduin. Habang pabalik sa school pinagusapan talaga namin kung paano kami nagkasya sa banyo. :)) Sabi daw ni Lexli buti na lang daw hindi sila pumasok nina Naida. =))

Nung malapit na sa school, lahat kame todo yuko. Bawal din kase sa school na umalis tas babalik.

---

Nung Wednesday, nakita namin yung old AP teacher namin. Kase ung teacher namin ngayon substitute lang. Kelangan kase magkaroon ng operation yung dati naming teacher. So yun. Na-excite kame nung nakita namin siya.

Tapos tinanong namin ngayon kung siya parin yung magiging AP teacher namin. Tapos ang sabi niya: Isang buwan pa. Nakalulungkot ng lubusan. :P Kase, frankly, mas gusto ko yung substitute. Magaling yung dati naming teacher kase magbabasa ka talaga ng libro. Pero mas magaling [para sakin] yung substitute. Ewan ko. Iniisip nga namin sa First Years yung old teacher namin and yung substitute sa Second Year. :) Oh well.

---

THANKYOUS: Vinkz -- Shawboy -- Regina -- Jaja

Labels: ,

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
2:16:00 PM


|
Sublilitas /
8.07.2006
we don't have classes for tomorrow! Yay! Review Day kase. Exams namin sa Wednesday. First exams will be Biology [bleh. :], CLE, and Health. I already studied for Health last week [for the first time.:>] so I'll just focus on Bio. :)

---

Practical test namin sa PE. Thank God that we finished making up steps. We practiced during our Filipino time since we don't have anything else to do. Pangalan ng mga dancers, Sublilitas.. O dba? May name na kame? Kase, tawag sa mga taga-section namin, Cecilialitas. So un. Sublilitas. =)) Dance kase namen Subli.

So yun, nagtakutan na naman sa Audi. Eto, may kwento ako:

Kase, nakalapag ung CD player. Diba kapag naka-switch to 'Tape' mode, parang naka-off un. And then, kapag sn-witch mo sa 'CD' mode, iilaw. Basta ganun. So nilagay ko na ung CD and sn-witch to 'CD' mode nga. Tapos I am POSITIVE na nakita kong umilaw na. So tumalikod muna ako sa CD player kase may sasabihin ako. Tas pagharap ko naka-off parin. Tas sabi ko, 'Anubayan, sino nagtanggal ng saksak?' Tas sabi nung friend ko na wala namang saksakan doon. :| FREAKY. Nakita din ni Tammy na umilaw. Pero hindi muna kame nag-react. Mahirap na kase kapag nag-panic na. =))

So. Ang score namin, 95/100. Not bad considering na tinapos namin nang isang oras lamang. And highest kame among the groups that took their practical already. O-ha. :>

Babaguhin na lang namin ung ibang parts ng sayaw for the Araw ng Wika.

---

Speaking of Araw ng Wika, sinukatan na ako for my Maria Clara. Kase dapat makakahiram ako sa Tita ko. Eh nawala daw ng pinsan ko. So, sabi ni Dad, magpapatahi na lang daw. Sosyal. :)

---

Nagpa-burn ako ng CD sa classmate ko. Tapos natanggap ko na. Yey! Thank you! Haha. Eto ung list ng songs:

Promiscuous - Nelly Furtado ft. Timbaland: What you are hearing right now. Grabe super nakaka-LSS itong song na ito. :)
Mas Que Nada - Black Eyed Peas ft. Sergio Mendes
Endless. A Silent Whisper - Urbandub
: I must admit ayaw ko yung Urbandub nung una. Ung first nilang song, ung 'A New Tatoo/Tatoo' [Sorry naman, ch-neck ko sa Word kung anong tamang spelling parehomg tama naman daw. :)] ayaw ko. Ampanget kase ng video. Pero ung First of Summer tsaka ung video nito and ganda. :P
I'll Never Stop - N*Sync: Grabe bumabalik na ako sa pagkabata ko. O, cge tawa ka dyan. Wag mong i-deny. At some point of your life gusto mo ung Spice Girls, Backstreet Boys, N*Sync, BBMak, The Moffats, A1.--
Say Something - Mariah Carey ft. Pharell and Snoop Dogg
A Promise - Chicosci: Maganda siya pakinggan. Pero kapag nakita mo ung video, walalang. Hindi ko feel. Medyo th maging mala-Green Day. :)
Stars Are Blind - Paris Hilton: Soree naman. Nakaka-LSS kase eh. :) Alam niyo ba pinalitan ung first video nito kase masyadong malaswa ung una. :P Buti na lang ako napanood ko both. :>
Walang Kadala-dala - Sandwich
When You're Mad - Ne-Yo
Bad Day - Daniel Powter
: Yehes. I remember American Idol whenever I hear this song. :)
I'm Feeling You - Santana ft. Michelle Branch and The Wreckers
Smile At Me - Rocksteddy
: Hindi ko akalain na Rocksteddy kumanta nito. Ito ung pinapatugtog sa commercial ng Close-Up. Ung sumasayaw ung babae thingy. Kala ko si Sam na naman kumanta. :)
Dirty Little Secret - All American Rejects
Huwag Mo Nang Itanong - M.Y.M.P
: Walalang. May naaalala kase ako. :)
Jeepney - Kala: Nakakaasar ung video niyan! Per ok lang ung song. =)) Ewan ko pero parang napapasayaw ako. Weird. :)
241 - Rivermaya: Ang epal kaya! Ung bn-urn 214! Grr! =))
Without You - Charlie Wilson
Nobela - Join The Club


---

So yun. Siguro hindi ako makaka-post for a long time since exams na. Super dami ko pang gustong i-kwento pero no time. :) Naaantok na ako eh. :) Sa Friday na lang. Last day of exams. Manglilibre classmate ko. Tas diretso kame sa Internet Shop. :> Yay! But first, please pray for me to ace the Bio exam! :) Thanks! :)

---

THANKYOUS: Jigs, Xai, Vinkz, Joy, Regina, Ate Fatima, and Joy-joy

Labels: ,

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
10:42:00 PM


|
Bawal ang malong. Fuck. /
8.04.2006
Malapit na ang exams.

Kaya minsan na lang ako nakaka-internet. Kailangan na akong mag-focus. :)

Anyways, next week na exams namen. No classes sa Tuesday kase Review Day. Wednesday to Friday ang exams namin. :)

First exam includes Biology. Ewan ko, pero hirap na hirap talaga ako sa Bio. Chemistry and Physics medyo kaya ko pa pero Bio? :| Ewan ko, number-inclined siguro ako. :) Mahilig kase ako sa Math. Mana kay Inay.

--

Sa Monday na ung Practical Test namin sa PE. Dancer kase ako. So kung anong grade namin, un ung grade ng klase. Anyways, sabi daw nila lahat ng nag-practical, magsasayaw sa Araw ng Wika. Which is after the exams.

Yung dance namin, Subli. Alam ko na yung steps kase sinayaw namin yun nung Grade Four. Yea. Si Punky pa nga partner ko nun eh. =)) Haha. Tapos naalala ko ung isa naming classmate baliktad ung jogging pants. =)) Eh last period ata namin ung PE. So whole day baliktad ung jogging pants niya. =))

Anyways, eh di masaya since madali lang yung costume. Tapos anak ng teteng, kanina pagkatapos ng First Friday Mass eh pinatawag lahat ng officers both club and class. Tungkol sa induction na mangyayare within the Linggo ng Wika. Tapos sabi, kailangan daw naka-Filipiniana ung officers! BAWAL ANG MALONG. Letsugas.

So kelangan ko pa maghanap ng Filipiniana. :| Hmpf. Pero infairness nami-miss ko ung mga times na naka-Filipiniana ako nung Grade school. :)

--

Nakanood ako ng Veronica Mars nung Wednesday. Grr si Hannah Griffith! Waaahh! Super innocent siya and she doesn't deserve Logan. Ok, nagsasalita na ung fangirl sa sarili ko. :| Anyways, epal talaga siya. :) Siguro kung hindi siya dn-date ni Logan ok lang siya pero nooooooo kelangan pa gamitin ni Logan si Hannah. [Sa future episodes pa sasabihin kung bakit nga ba.] Anyways, re-runs ng episode na yun tomorrow [Saturday] 5:00pm and Sunday 3:00pm @ ETC. :)

Labels: ,

Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
10:03:00 PM


|
OLLEH;
HALT. A little trvia for ya. Do you know, that you are visitor number:


*DING*
Free Counters
This blog is owned by Redg. :) Rule number one: These are her thoughts, and if you somehow have a problem about that then go see a shrink. Rule number two: Respect begets respect. :)

Jinxedwhat?
Why Jinxedgeness? A lot of people ask Redg that. :) Mahirap daw basahin. Well, SECRET. Walang clue. :P

MSSICRAN;
Reginne. Redg. 071991. SIXTEEN. Finally. HS Junior.

SYN. A Bridgetine. Knoller at heart. :) Snarkastic. Jinxed. Smartass. Side-commentator. Pintasera. Kontrapela. Maldita. Isnabera. Cheeky. Loveless. Single & whatever. Usually bored. A Harlequin girl. :> OC when it comes to grammar but still commits mistakes. XD Playgirl? /:) Lazy. Secretive. Mischevious. Sneaky. Mean. Stubborn. Wife/mistress of Jason Dohring. :> Forgives but never forgets. LoVe. Anti-HaLo and Logan/Parker. Considers satisfaction as the best feeling. Killer eyeroll that hurts other people's feelings, often unintentionally.

Not at all bad. A snobbish stranger. A somehow good person. But even a better friend. Online or offline. :P

You think you know, but you actually have NO IDEA.

YM: Secret. reginneanna

More?
friendster
multiply
johari
livejournal

Currently Feeling:


SRIOMEM;
RECENT:
♥ Moving on.
♥ A realization that hit me like woah!
♥ Peace and Chaos.
♥ Snark. Junior's Forte. :)
♥ Ramblings of a Self-confessed Chismosa.
♥ Of 15th Birthdays. :)
♥ Monsters at the LRT Station.
♥ Goodbye, Veronica Mars. You shall be sorely missed.
♥ Monday the 13th.
♥ Deathly Hallows: The End of an Era.

OLD:
| April 2006 | May 2006 | June 2006 | July 2006 | August 2006 | September 2006 | October 2006 | November 2006 | December 2006 | January 2007 | February 2007 | March 2007 | April 2007 | May 2007 | June 2007 | July 2007 | August 2007 | September 2007 | October 2007 | December 2007 | April 2008

ALOPARC;
"You’re not holding me back, Veronica. You are my reason. I know you feel the same way. We belong together, and you know it. That's why people like Piz and Parker, and everyone else come and go. They try so hard, and they may be amazing people, but the two of us? We’re eternal."
- VM Fanfic. :)

Goodbye, Veronica Mars. You shall be sorely missed.



Talk shit, won't you?



DESRUC;
Link exchange? It would really help if you comment first. :) I delete links that are not updated anymore, doesn't have a link for me, and other reasons. :) Comment if you want to be linked again. :) Thanks!

Close Ties.
Abby: yackety-yaks
Aivy: aivy21
Eipp: vernacularitybyme
Fatima: fatimx22
Gette: adiktoos
Joy: dyoii
Mariel: buhaykoto
Rio: pauline_57
Tammy: angcounterpartnisuperman
Xai: batangkyoot
Xha: freeakingdramas

MORE LINKAGES.

XOBDER;

ETOUQNU;

"We are more than a sum of bad memories. You and I...we're Logan and Veronica. I never doubted for a moment that we would eventually find our way back to each other. No matter how long it took we will eventually be together again."



♥ And when the clock strikes twelve, will you find another boy to go and kiss and tell? 'Cause you know, I never will
- Five Minutes to Midnight; Boys Like Girls

I'm missing you to death, but it's all for the best, I know. Hey, hey we're not far from home. I've got my pride, and I'll let you sleep tonight.
- Almost Home; The Academy Is...

♥ Thinking back now, will you ever feel the same?
- Paralyzed; The Used

GOLB;
credits
ME. kynzgerl
CODES. Anne
BRUSHES. 1 2
IMAGES. 1 2