Card Distribution. Again. /
Binigay na yung mga cards sa amin nung Thursday. Hindi na pinapunta yung mga parents and binigay na lang yung mga cards sa amin ng diretso. Kapag may bagsak ka, hindi mo makukuha.
11.25.2006
I got my card. ;) Yey! Eto yung mga grades ko.
Filipino: From 87 to 90.
- Yey! Buti na lang tumaas ako sa Filipino ngayon. :> Majority naman tumaas eh. Madali kasi siguro Florante at Laura. ;)
English: 86 to 86.
- Okay lang. Walang pinagbago. Kung nag-submit siguro ako ng journal s mas mataas pa. :\ Tsk.
Biology: 82 to 82.
- Okay lang din. Pero kung nag-submit ako ng ibang projects sana mas mataas. Hindi kasi ako nag-submit ng iba. :\ Halata bang tamad?
Math: 97 to 96.
- Medyo tanggap ko to. Kasi nahirapan talaga ako nung second quarter sa Math. Eeek. Pero okay lang. At least line of 9 pa rin. ;)
Makabayan: 87 to 86
--* CLE: 88 to 85.
- Hindi to to tanggap. Nako. Pinepersonal talaga ng teacher na to ang grades. Ang corny niya ha, whatever. Kung sa attitude siya may prbolema babaan niya yung sa personality huwag sa grades mismo. Eeek.
--* AP: 82 to 84.
- Yehey! Medyo tumaas ako! Ang weird. Gusto ko magturo yung substitute namin dati pero mas gusto ko yung pagbigay ng grades ng dati naming teacher. Sa teacher namin kasi ngayon basta nagre-recite ka mataas na eh. ;)
--* TLE: 91 to 86.
- Leche. Five-point drop. Tama ba naman yun? Ang daya talaga! Halos lahat kami bumaba. :\ Siguro dahil sa boku salab to. :) Haha. May isa kasing group sa amin ang spelling niya ng 'buko salad' BOKU SALAB. Na-high blood na naman yung teacher namin. :)
--* MAPEH: 89 to 90.
- Yey! :)
Average: From 87.8 to 88. Point two difference. Feeling ko nag-improve ako, pero hindi ko akalain na ganun lang kaliit. :)
Rank: Still seventh. Pero wala na akong kahati. ;) Dati kasi may ka-tie ako sa 7. Ngayon 8 na siya. Oh well. At least solo ko na ngayon. ;)
Oh! And naging Very Good ako sa 'Respects Others and Shows Concern for their Well Being' sa card! Haha. Dati kasi Good lang ako dun. :)
---
Consequences dahil 'mababa raw ako sa card.'
- Bawal na Internet.
- Bawal na manood ng DVD. [Grey's Anatomy.]
- Bawal ang lakwatsa.
- Bawal humingi.
Err. Yung iba pwede pang pakiusapan.
---
Recollection namin nung Friday. Lotsa kwento later.
Labels: Studies
Now you understand what it's like to dive.
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
6:19:00 PM
Take it back, taken back, she forgets you.
Now she pleads: "Forgive me again, it's the last time I will..."
6:19:00 PM
|